BDSwiss

Sino kami

BAng BDSwiss ay isa sa mga nangungunang institusyong pinansyal sa Europa na dalubhasa sa pangangalakal ng Forex/CFDs at Binary Options. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo at suporta ng pangangalakal para sa lahat ng aming kliyente, kami ngayon ang top pick para sa maraming mangangalakal. Patakaran naming ibigay ang pinakamagagandang posibleng kondisyon at software sa pangangalakal sa aming mga kliyente. Ang aming misyon ay magbigay ng isang platform at nagbabagang impormasyon na pinahihintulutan ang aming mga kliyente—baguhan o eksperto man sila—na mangalakal sa isang ligtas at siguradong platform. Ito ang dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan ang BDSwiss ng mga mangangalakal sa buong mundo.

Ano ang ibinibigay namin

Nag-aalok ang BDSwiss ng iba’t-ibang uri ng software at mga kagamitan sa pangangalakal na pinahihintulutan ang mga indibiduwal at kliyenteng institusyon na mangalakal ng Forex, CFDs at Binary Options sa online. Maingat na pinili ng BDSwiss ang aming mga kondisyon ng account para maging tamang-tama ang mga ito para sa mga pangangailangan ng mga kliyente, gaano man sila kalaki.

Ang aming Strategy Center, na ginawa ng mga eksperto sa industriya, ay idinisenyo upang bigyan ang aming mga customer ang lahat ng kaalaman na kinakailangan upang gawin ang pinakamagagandang posibleng desisyon sa pamumuhunan. Na may nilalaman na panay na ina-update para sa bawat antas ng karanasan, palaging may bagong bagay na matututo. Tutulungan ka ng aming Strategy Center na buuin ang mga estratehiya at teknik, upang bigyan ka ng mga kakayahan na kinakailangan upang dagdagan ang iyong mga pagkakataon na maging isang matagumpay na mangangalakal.

Lahat ito, kasama ng aming pinakamakabagong trading platforms—na nagbibigay ng halos instant na pagsasagawa—, ang aming Strategy Center na patuloy na ina-update at balita sa pamilihan, ay nagbibigay sa aming mga customer ng lahat ng kagamitang kinakailangan upang makamit ang kanilang mga layunin sa pangangalakal. Maaari mong kalakalin ang halos lahat ng mahahalagang underlying assets sa buong mundo at mabilis na pakinabangang ang mga pagbabago sa mga presyo ng Forex, Mga kalakal, Indise at Aksyon, umaakyat man sila o bumababa .

Customer Service ang aming prayoridad

Ang pagbibigay ng pinakamagandang posibleng Customer Service sa lahat ng aming mga kliyente ay ang aming nangingibabaw na prayoridad. Ipinagmamalaki namin ang antas ng customer support na ibinibigay namin. Bilang karagdagan sa aming Strategy Center at balita sa pamilihan, nagbibigay kami ng online webinars at live seminars upang bigyan ang aming mga kliyente ng pinakamabuting impormasyon at soporta.

Ano ang nagtutulak sa amin

Ang BDSwiss ay itinatag sa isang sistema ng mga pagpapahalaga na tumutulong sa amin na mapatupad ang aming misyon.

  • Magbigay ng serbisyong may mataas na kalidad sa aming mga kliyente
  • Gawing posible ang pangangalakal para sa mga mamumuhunan na may iba’t-ibang antas ng kakayahan
  • Tulungan ang aming mga kliyente na linangin at mapabuti ang kanilang kaalaman
  • Tanggapin ang feedback mula sa mga kliyente nang higit na isinasaalang-alang ito
  • Maging maaasahan at mabisang makipag-ugnayan
  • Magdulot ng at tanggapin ang pagbabago

Nagbubukas ng daan

Ang BDSwiss ay nagbibigay sa iyo ng isang propesyonal na broker platform. Ang Forex, CFDs at Binary Options ay ang pinakamabibilis at pinakamabibisang paraan para kumita mula sa maliliit na pagbabagu-bago ng presyo sa ilang underlying gassets. Bilang isang institusyong pinansyal na aktibo sa buong mundo, ang BDSwiss ay nagbibigay sa iyo ng isang simple at intuitive na pagkakataon na manalo sa mga pandaigdigang pamilihang pinansyal gamit ang aming Forex at Binary Options trading platforms.

Mula sa aming pasimula, napatunayan na namin ang aming kadalubhasaan sa pangangalakal sa mga pamilihang pinansyal sa libu-libong customer. Ang napakadaling gamitin at maaasahang software, pati na rin ang aming napakagaling na customer service, ay ang dahilan kung bakit ang BDSwiss ay isang brand na pinagkakatiwalaan sa buong mundo. Sa gayon, binibigyan ka namin ng 100% transparente at ligtas na paraan ng pangangalakal.

Kinukuha ang iyong tiwala

Mahigpit na regulasyon ng CySEC

Ang BDSwiss ay ang ngalang-pangkalakal ng BDSwiss Holding Plc., Cyprus, isang kompanya sa pamumuhunan na awtorisado at pinangangasiwaan ng Cyprus Securities and Exchange Commission (Numero ng lisensya: 199/13) Bilang broker, sumasailalim kami sa mahigpit na regulasyon ng Awtoridad ng Serbisyong Pinansyal ng Cyprus (CySEC).

Makikita mo ang mga detalye ng aming regulasyon dito.

Pakikipag-ugnayan:

BDSwiss Holding Plc.
Rehistradong tanggapan: Ioanni Stylianou 6, 2nd floor, Office 202, 2003 Nicosia, Cyprus
Numero ng komersyal na rehistro: HE 300153
Numero ng VAT: 103 001 53Z
Numero ng lisensya ng CySEC: 199/13
Adres sa Alemanya (para sa mga sulat sa koreo): Mainzer Landstrasse 41 60329, Frankfurt, Germany

Telepono: +4969175368641
Fax: +4969175368649
Email: [email protected]
Data protection officer: [email protected]

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.