BDSwiss

Ano ang One Touch Option?

Ang One Touch option ay isang espesyal na uri ng Binary Option na available sa labas ng mga karaniwang oras ng pangangalakal (kabilang ang Sabado’t Linggo). Samakatuwid, ang presyo ng underlying asset ay hindi magbabago sa iyong screen. Depende sa nais na underlying asset, ang mga oras ng pangangalakal kung kailan ka maaaring magbukas ng isang One Touch Option ay magbabago. Ang One Touch Options ay humahantong lamang sa isang payout kung ang presyo ay umabot o lumampas sa nilalayong rate sa panahon kung kailan hahalagahan ang opsyon.

Paano mangalakal ng One Touch Option?

binary-one-touch-option-1

1. Oras ng pagkakawalang-bisa

Ang oras ng pagkakawalang-bisa para sa One Touch Options ay nakapirmi. Ang bentaha nito ay hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa oras ng pagkakawalang-bisa. Ang One Touch option ay palaging mapapawalang-bisa sa huling araw ng pangangalakal ng linggo, sa madaling salita, Biyernes, sa isang espesipikong oras, karaniwang 19:10 GMT.

2. Halaga ng Puhunan

Ang halaga ng puhunan para sa uri ng Binary Option na ito ay isinasaad sa mga yunit. Bilang patakaran, ang isang yunit ay may halaga ng €50.00. Maari mong piliing mamuhunan sa 1-10 yunit.

3. Call or Put

Sa wakas, dapat kang pumili ng isang direksiyon, tulad ng anumang opsyon. Ang nilalayong rate para sa opsyon ay ipinapakita sa tabi ng tsart.

Natukoy mo na ang lahat ng salik at maaari mo nang kumpletuhin ang iyong One Touch Option trade order.

Paano tinutukoy ang kinalabasan?

Sa bawat araw ng pangangalakal, ang presyo ng underlying asset ay sinusukat isang beses bawat araw nang 17:00 GMT at sa pagkakawalang-bisa ng opsyon. Ang mga pagsukat na ito lamang ang ginagamit upang tukuyin kung ang mga pamantayan ng One Touch Option ay natugunan.

Ang tamang hula ay hahantong sa pagsasauli ng iyong paunang puhunan dagdag ng pinagkasunduang payout. Ang maling hula ay hahantong sa pagkawala ng paunang puhunan.

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.