BDSwiss

Maaaring napansin mo na sa aming dalawang trading platforms para sa Binary Options (BDSwiss Binary) at CFDs (BDSwiss Forex), may ilang underlying assets na may iba’t-ibang presyo. Depende sa underlying asset, may iba’t-ibang dahilan kung bakit ganito ito.

1. Spread laban sa Kalagitnaang presyo

Sa BDSwiss Forex, palaging may dalawang presyong isinasaad. Ang Buy price ay ang presyo kung saan mo bibilhin ang isang CFD at ang Sell price ay ang presyo kung saan mo ibebenta ang isang CFD. Ang diperensya sa pagitan ng dalawang presyong iyon ay tinatawag na spread. Gayon pa man, ang Binary Options, ay binubuksan at hinahalagahan batay sa iisang presyo. Ang presyong ito ay tinatawag na kalagitnaang presyo, at ito ay ang balasak ng Buy at Sell prices ng underlying asset.
__Ito ay partikular na totoo para sa lahat ng pares ng currency, kalakal at sapi!__

2. Spot markets laban sa Futures markets

Lalung-lalo na sa mga indise, madalas na lumilitaw ang mga makabuluhang paglihis kung hindi mo ihahambing ang mga tamang presyo sa isa’t-isa. Halimbawa, ang mga presyo para sa mga indise sa BDSwiss Forex ay batay sa kaukulang pamilihan ng futures, habang sa BDSwiss Binary, dapat sadyang piliin ang pamilihan ng futures.
Ang mga indise ay kumakatawan sa isang klase ng derivative kung saan ang kalagitnaang presyo ay mas hindi pabagu-bago kaysa sa Buy at Sell prices. Dahil dito, ang mga presyo para sa mga indise sa Binary Options ay batay sa Sell price.

__Kung inihahambing mo ang mga presyo, mangyaring tiyakin na sa parehong trading platforms, tinitingnan mo ang parehong underlying asset na may parehong buwan ng pagkakawalang-bisa!__

3. Rounding up o down

Depende sa mga tinukoy na puntos, ang presyo ng CFDs ay ira-round up o down. Halimbawa, ang aktwal na presyo ng DAX futures ay nakalista bilang 9673.75 sa BDSwiss Binary at 9674 sa BDSwiss Forex.
__Ito ay humahantong sa maliliit na diperensya sa presyo para sa CFDs!__

4. Ang buwan ng pagkakawalang-bisa ay hindi pareho sa buwan ng kontrata

Sa BDSwiss Binary, maraming underlying assets ang nakalista gamit ang isang kadaglatan para sa isang tiyak na buwan. Ang kadaglatang ito ay palaging nauugnay sa buwan ng kontrata at hindi sa pagkakawalang-bisa nito. Kaya, halimbawa, ang WTI_April 2016 na kontrata ay maaaring mapawalang-bisa sa 03.18.2016, samantalang ang Dax Future March 2016 na kontrata ay mapapawalang-bisa sa 03.31.2016.
__Magtuon ng pansin ayon sa mga kalakal at indise kung ang kontrata ay nauugnay sa buwan ng pagkakawalang-bisa o sa buwan ng kontrata!__

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal ng mga Binary Option at mga CFD ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.