BDSwiss

Sa CFD, maaari kang magbukas ng isang posisyon sa tumataas pati na rin sa bumababang presyo ng pamilihan. Mangyaring tandaan na ang mga sumusunod na halimbawa at grapiko ay para lamang sa mga layunin ng pagsasalarawan at hindi dapat ituring bilang payo sa pangangalakal.

Ipapakita sa iyo ng halimbawang ito, nang detalyado, kung paano mangalakal ng CFDs:

Ang “aktwal” na presyo sa pamilihan (EUR/USD) ay 1.09715/1.09723. Ang 1.09715 ay ang tinatawag na bid price, na ginagamit para sa mga bukas na posisyon sa mga bumababang presyo. Ang 1.09723 ay ang tinatawag na ask price, na ginagamit kapag nagbubukas ng mga posisyon sa mga tumataas na presyo.

Ang CFD ay palaging kinakalkula sa mga laki ng kontrata. Ang laki ng kontratang ito ay ipinapakita kung gaano kinakalakal ang asset. Ang istandard na kontrata, na tinutukoy din bilang Lote, para sa pares ng currency na EUR/USD ay katumbas ng isang bulumen ng $100,000. Ang susunod na mahalagang hakbang ay alamin ang halaga ng isang Pip. Ang Pip ay ang pinakamababang accountable na halaga ng underlying asset. Para sa pares ng currency na EUR/USD, ang isang Pip ay may halaga ng 0.0001.

Kita at Lugi

Ang eksaktong kita o lugi ay nakasalalay sa parehong presyo at laki ng kontrata. Kapag nangangalakal ka ng CFD, nakikitungo ka sa matataas na bulumen, na kinakalkula ayon sa pormulang ito:

Bid/Ask price * Laki ng kontrata * Bilang ng mga kontrata

Gusto mong magbukas ng isang posisyon sa bumababang presyo ng EUR/USD, na nangangahulugan na para sa iyo, mahalaga ang bid price. Sa isang istandard na kontrata, nangangahulugan ito ng sumusunod na halaga ng posisyon: $1.09715 * $100,000 * 1 = $109,715. Upang magbukas ng anumang posisyon, dapat kang may tiyak na balanse sa iyong trading account. Kapag nagbubukas ng isang posisyon, may depositong panseguridad na ibabawas sa balanse ng iyong account, ito ang tinatawag na Marhen.

Para sa posisyon ng EUR/USD, ito ay kinakalkula ng may 1% ng halaga ng posisyon. Nangangahulugan ito na para sa halimbawang nasa itaas, kakailanganin mong magkaroon ng depositong panseguridad na $1,097.15. Dapat ang iyong trading account ay may halagang ito.

Sa kaganapan ng panalo

Ipagpalagay natin na gumalaw ang pamilihan ayon sa iyong nahula. Ang presyo ng EUR/USD ay bumaba sa bagong antas na $1.09153/$1.09161. Nagbukas ka ng isang posisyon sa bumababang presyo. Sa madaling salita, binenta mo muna ang EUR/USD at binili mo ito muli para isara ang posisyon. Samakatuwid, para sa iyo, mahalaga ang asking price ng $1.09161. Sa CFD, ang diperensya sa pagitan ng mga posisyon ay ginagamit para sa payout. Ang iyong posisyon para sa presyong ito ay may kasalukuyang halaga ng: $1.09161 * $100,000 * 1 = $109,161

Nagbukas ka ng isang posisyon sa bumababang exchange rate, na nangangahulugan na ang kalkulasyon ng iyong mga kita ay ayon sa sumusunod : Presyo sa pagpasok – Presyo sa paglabas = Kita = $109,715 – $109,161 = $554

Sa pagsasara ng posisyong ito, ikekredito ang $544.00 sa iyong account. Bilang karagdagan, ang iyong paunang depositong panseguridad (Marhen) na $1,097.15 ay magagamit mo muli.

Sa kaganapan ng pagkalugi

Sa ganitong kaso, gumalaw ang pamilihan salungat sa iyong nahula. Ang exchange rate ng EUR/USD ay umakyat sa bagong antas na $1.10248/$1.10256. Dito, mahalaga muli ang asking price. Ang asking price ngayon ay $1.10256, na nagbibigay sa iyong posisyon ng halaga ng: 1.10256 * $100,000 * 1 = $110,256

Ang iyong lugi ay kinakalkula gamit ang sumusunod na pormula: Presyo sa pagpasok – Presyo sa paglabas = Lugi = $109.715 – $110.256 = $541

Itinabi mo na ang depositong panseguridad na $1,097.15 kung saan ang iyong pagkalugi sa posisyong ito ay ibabawas. Ang diperensya ng $556.15 ay isasauli sa iyong account.

Mangalakal na Ngayon
May panganib sa iyong kapital
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.