BDSwiss

Ano ang maaari kong kalakalin?

Ginagawang posible para sa iyo ng BDSwiss na piliin kung ano ang gusto mong kalakalin. Pinahihintulutan ka ng All-In-One account na mangalakal ng CFDs/Forex sa BDSwiss Forex o mangalakal ng Binary Options sa BDSwiss Binary.

Ano ang diperensya sa pagitan ng BDSwiss Forex at BDSwiss Binary?

Ang BDSwiss Forex at BDSwiss Binary ay mga tatak-pangkalakal ng BDSwiss Holdings PLC. Sa BDSwiss Forex, maaari kang mangalakal ng CFDs/Forex. Sa BDSwiss Binary, maaari kang mangalakal ng Binary Options. Mag-click DITO para tingnan ang paghahambing ng aming mga produkto.

Aling time zone ang ginagamit ng BDSwiss?

Ginagamit ng BDSwiss ang time zone na GMT+1, na pumapalit ayon sa DST. Ang mga presyong ipinapakita sa MetaTrader 4 trading platform ay tumutukoy sa kasalukuyang oras ng server, na gumagamit ng GMT+2.

Gaano kaligtas ang BDSwiss?

Ang BDSwiss ay gumagamit ng sistemang panseguridad na tinatanggap sa buong mundo na SSL (Secure Sockets Layer), na ine- encrypt ang lahat ng pagbabayad gamit ang credit card sa internet. Ang sistemang ito ay awtomatiko at makakatanggap ka ng awtomatikong paunawa kung hindi sinusuporta ng iyong browser ang protocol na ito. Alinsunod sa mga regulasyon ng EU, protektado ng Pondo ng Bayad-Pinsala sa Mamumuhunan ng Cyprus ang mga deposito ng customer na hanggang €20,000.00, sa kaganapan ng pagkahapay ng kompanya.

Ligtas ba ang aking personal na impormasyon sa inyo?

Oo, 100% ligtas ang iyong impormasyon sa amin. Ang pagprotekta ng iyong personal na impormasyon ay napakamahalaga para sa amin. Ang lahat ng impormasyon ng customer ay ine-encrypt gamit ang pinakamakabagong software na panseguridad at pinoprotektahan nang lubos. Ang iyong impormasyon ay mahigpit na pananatilihing kompidensiyal at hindi ibabahagi sa mga ikatlong partido. Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa proteksiyon ng datos, mangyaring mag-click dito.

Anong mga dokumento ang katanggap-tanggap bilang “katibayan ng tirahan”?

Bilang katibayan ng tirahan, kabilang sa mga katanggap-tanggap na dokumento ang form ng pagpaparehistro ng tirahan o isang bill na hindi mas luma sa anim na buwan kung saan nakalagay ang iyong kasalukuyang adres (hal., kuryente, gas o telepono/internet).

Bakit ko kailangang magsumite ng isang kard ng pagkakakilanlan na balido sa buong mundo?

Ang BDSwiss ay isang pinangangasiwaang kompanya sa pinansyal na sektor. Dahil dito, kami ay legal na obligadong sundin ang ilang pangkaligtasang istandard. Higit sa lahat, kabilang dito ang mga patakaran tungkol sa Anti-Money Laundering (AML) protocol at ang paghadlang sa pagtustos sa mga terorista.

Dahil dito, ang bawat customer na nais mangalakal kasama ng BDSwiss ay dapat beripikado ang pagkakakilanlan. Ito ay karaniwang ginagawa gamit ang isang kopya/scan ng balidong internasyonal na kard ng pagkakakilanlan at form ng pagpaparehistro ng tirahan. Sa halip ng form ng pagpaparehistro ng tirahan, maaari ring magsumite ang mga customer ng kopya ng bill (kuryente o gas) kung saan malinaw na nakikita ang adres ng tirahan. Hindi ito dapat mas luma kaysa sa anim na buwan.

Ano ang SWIFT Code?

Ang SWIFT code ay isang katangi-tanging identification code para sa mga bangko, na ginagamit para sa interbank transfers. Ang SWIFT code ng iyong bangko ay makikita sa homepage ng iyong bangko o makukuha mula sa isang empleyado ng bangko. Ang SWIFT code ay dapat palaging binubuo ng 11 titik. Kung ang iyong SWIFT code ay mas kaunting titik dito, palitan mo ang mga kulang na titik ng malaking titik “X”.

Ano ang mga bentaha sa pangangalakal kasama ng BDSwiss?

Bilang customer ng BDSwiss, mayroon kang All-In-One-Account at maaari mong piliin para sa sarili mo kung ano ang gusto mong kalakalin. Mangalakal ng CFDs/Forex o Binary Options. Isang account para sa lahat ng produktong pinansyal.
Ang mga BDSwiss customer ay nakakakuha ng akses sa mga komprehensibong materyales ng pagsasanay upang tulungan kang pabutihin ang iyong mga estratehiya sa pangangalakal. Matuto mula sa mga eksperto sa Education Center, online webinars, live seminars, balita sa pamilihan, kalendaryong pang-ekonomiya at marami pang iba.

Ang BDSwiss Holding PLC ay pinangangasiwaan at naaprubahan ng CYSEC (Numero ng Lisensya 199/13). Walang Minimum na Deposito para sa BDSwiss Forex. €200.00 na minimum na deposito para sa BDSwiss Binary.

Propesyonal na Trading software, mahahabang oras ng pangangalakal at marami pang iba ay naghihintay sa iyo bilang customer ng BDSwiss. Mag-click DITO ngayon at buksan ang iyong account sa loob ng 3 minuto.

Paano ako makikipag-ugnayan sa BDSwiss?

Magsulat ng email sa: [email protected]  o makipag-ugnayan sa amin sa isa sa aming mga numero ng teleponong panrehiyon.

Ano ang dapat kong gawin kung nakalimutan ko ang aking password?

Maaari mong gamitin ang “nakalimutan ang password?” na punsyon. Ilagay mo ang iyong email address at awtomatikong ipapadala sa iyo ang iyong password. Kung nagkakaproblema ka sa iyong password, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa pagsulat sa [email protected] o makipag-ugnayan sa amin sa isa sa aming mga numero ng teleponong panrehiyon.

FAQ: Trading Account

Kailangan ko bang magbayad para sa aking BDSwiss Trading Account?

Hindi, libre ang trading account sa BDSwiss.

Maaari ba akong lumipat sa pagitan ng mga account?

Bilang customer ng BDSwiss, mayroon kang All-In-One-Account. Sa madaling salita, palagi kang maaaring lumipat sa iba pang BDSwiss trading platform. Hindi mo kailangang mag-log out at mag-log on muli. Mag-click lang sa “Account” at piliin ang iyong nais na trading platform.

Aling currency ang maaari kong gamitin para sa pangangalakal?

Bilang patakaran, ang mga account ay eksklusibong hinahawakan sa Euro. Sa ilang rehiyon, maaari mong piliin ang USD.

Maaari ba akong maglipat ng mga balanse sa pagitan ng aking iba’t-ibang account?

Hindi, hindi ka maaaring maglipat ng mga pondo mula sa iyong Binary Options account papunta sa iyong CFD/Forex account o bise bersa.

May mga limitasyon ba sa mga deposito/pagwi-withdraw?

Wala. Walang maximum na limitasyon sa mga deposito at pagwi-withdraw.

Maaari ba akong malugi ng mas maraming pera kaysa sa naideposito ko?

No, bilang isang customer ng BDSwiss, ang balanse ng iyong account ay hindi babagsak nang mas mababa sa sero. Kapag nangangalakal ng CFDs sa BDSwiss Forex, hindi aasahan ng BDSwiss na bayaran mo sila kung ang balanse ng iyong account ay babagsak sa negatibo.

Paano ko kakanselahin ang isang pagwi-withdraw?

Kung gusto mong kanselahin ang iyong pagwi-withdraw at isauli ang pera pabalik sa iyong trading account, may opsyon kang kanselahin ang isang pagwi-withdraw. Ito ay partikular na kapaki-pakinabang kung ang iyong pagwi-withdraw ay magiging dahilan kung bakit magkakaroon ka ng hindi sapat na pondo sa iyong account, nguni’t nais mo pa pang mamuhunan sa isang opsyon. Upang kanselahin ang isang kahilingan ng pagwi-withdraw, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa pagsulat sa [email protected] o makipag-ugnayan sa amin sa isa sa aming mga numero ng teleponong panrehiyon.

Paano ako makakapagdeposito ng pera sa aking account?

Sa ilalim ng Account tab, i-click mo lang ang “Magdeposito ng Mga Pondo“. Nag-aalok ang BDSwiss ng iba’t-ibang paraan ng pagdeposito, tulad ng credit card, bank transfer, direct deposit, Skrill at marami pang iba.

FAQ: CFD

Mangyaring isaalang-alang na para madaling mabasa ito, ang sumusunod ay isang halaw lang mula sa buong BDSwiss Forex FAQs. Makikita mo ang kumpletong FAQ DITO..

Ano ang CFD?

Ang CFD ay tinutukoy bilang Contract for Difference. Nangangahulugan ito na ikaw ay nangangalakal batay sa ebolusyon ng presyo ng isang espesipikong underlying asset. Ang diperensya sa pagitan ng presyo sa pagbubukas ng iyong posisyon at sa pagsasara nito, pati na rin ang direksiyon ng iyong puhunan at ang bilang ng mga istandard na kontratang kinakalakal ay tumutukoy sa halaga ng iyong kita o lugi. Makikita mo ang karagdagang impormasyon DITO.

Saan ko makikita ang mga oras ng pangangalakal ng iba’t-ibang underlying assets?

Makikita mo ang mga oras ng pangangalakal para sa pangangalakal ng CFDs DITO.

May mga minimum na halaga ba para sa mga deposito o pagwi-withdraw?

Sa pangangalakal ng CFDs, walang minimum na deposito. Para sa mga pagwi-withdraw, may minimum na halaga na €100.00, nguni’t para sa mga pagwi-withdraw na mas mababa sa €100.00, ibabawas ang handling fee na €25.00.

Aling Spreads ang inaalok ng BDSwiss?

Ang Spread ay isang punsyon ng underlying asset. Ang aming pinakamababang Spread ay 1.0 pips. Makikita mo ang isang detalyadong listahan ng mga available underlying asset DITO.

Saan ko makikita ang overview ng lahat ng bayad?

Makikita mo ang isang detalyadong overview tungkol sa kung paano kinakalkula ang mga bayad at kailan sila ipinapataw DITO.

Kailangang ko bang mag-download ng isang espesyal na software?

Oo. Para sa pangangalakal ng CFD, kailangan mo ang Meta Trader 4 software, na maaaring i-downloaded nang libre sa pag-click DITO.

Mayroon ba akong dapat bayaran para mangalakal sa MetaTrader 4 platform?

Walang dapat bayaran para mangalakal sa MetaTrader 4 platform. Mangyaring isaalang-alang ng may mga normal na bayad na nauugnay sa pangangalakal ng CFDs.

FAQ: Binary Options

Mangyaring isaalang-alang na para madaling mabasa ito, ang sumusunod ay isang halaw lang mula sa buong BDSwiss Binary FAQs. Makikita mo ang kumpletong FAQ DITO.

Ano ang Binary Option?

Ang Binary Option ay kilala rin bilang digital na opsyon o pirming-kita na opsyon. Sa Binary Options, ang potensyal na kita o lugi ay kilala sa simula ng kontrata. Makikita mo ang karagdagang impormasyon DITO.

May mga minimum na halaga ba para sa mga deposito o pagwi-withdraw?

Wala, kapag nangangalakal ng Binary Options, walang minimum na deposito. Gayon pa man, ang paunang deposito ay dapat hindi bababa ng €200.00. Para sa mga pagwi-withdraw, wala ring minimum na halaga, nguni’t ang mga pagwi-withdraw na mas mababa ng €100.00 ay sisingilin ng€25.00 bilang processing fee. Mangyaring tandaan na maaari mo lang ma-withdraw ang bonus na kredito kapag natugunan mo na ang lahat ng pamantayan sa pagwi-withdraw. Makikita mo ang karagdagang impormasyon tungkol sa aming patakaran sa bonus DITO.

May mga limitasyon ba sa mga deposito/pagwi-withdraw?

Wala.  Walang maximum na limitasyon sa mga deposito at pagwi-withdraw.

Saan ko makikita ang mga oras ng pangangalakal ng iba’t-ibang underlying assets?

Isang detalyadong listahan ng lahat ng underlying assets na available sa BDSwiss, kasama ng kanilang mga paglalarawan, mga petsa at oras ng pagkakawalang-bisa ay maaaring tingnan sa Listahan ng Asset na seksiyon.

Paano gumagana ang sistema ng bonus?

Maaaring makinabang ang mga BDSwiss Binary customer sa iba’t-ibang kaakit-akit na bonus. Para sa aming bonus scheme, mag-click DITO.

Ano ang Put-Option?

Sa Put-Option, kikita ang mangangalakal kapag ang presyo ng underlying asset ay mas mataas sa panahon kung kailan na-place ang opsyon kaysa kung kailan ito napawalang-bisa, sa madaling salita, bumaba ang presyo. Kung ang opsyon ay may eksaktong parehong presyo sa oras ng pagkakawalang-bisa at sa oras ng pagbili nito, isasauli sa mangangalakal ang buong halaga ng kanilang puhunan.

Ano ang Call-Option?

Sa Call-Option, kikita ang mangangalakal kapag ang presyo ng underlying asset ay mas mababa sa panahon kung kailan na-place ang opsyon kaysa kung kailan ito napawalang-bisa, sa madaling salita, tumaas ang presyo. Kung ang opsyon ay may eksaktong parehong presyo sa oras ng pagkakawalang-bisa at sa oras ng pagbili nito, isasauli sa mangangalakal ang buong halaga ng kanilang puhunan.

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.